Tinipong mga pananaliksik sikolohiyang Pilipino / BS PSYCHOLOGY IV-2. 6
By: BS PSYCHOLOGY IV-2. 4 0 16 [, ] | [, ] |
Contributor(s): 5 6 [] |
Language: Unknown language code Summary language: Unknown language code Original language: Unknown language code Series: ; March 2015.46Edition: Description: 28 cm. 531 ppContent type: text Media type: unmediated Carrier type: volumeISBN: ISSN: 2Other title: 6 []Uniform titles: | | Subject(s): -- 2 -- 0 -- -- | -- 2 -- 0 -- 6 -- | 2 0 -- | -- -- 20 -- | | -- -- -- -- 20 -- | -- -- -- 20 -- --Genre/Form: -- 2 -- Additional physical formats: DDC classification: | LOC classification: | | 2Other classification:| Item type | Current location | Home library | Collection | Call number | Status | Date due | Barcode | Item holds |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Book | PLM | PLM Filipiniana Section | Filipiniana-Thesis | BF108 B35 2015 (Browse shelf) | Available | FT6866 |
Undergraduate Thesis: (B.S. Psychology) - Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, 2015. 56
5
MGA ABSTRACT NG PANANALIKSIK: Pananaliksik 1 Ang paglaganap ng pag selfie at pagkahumaling sa pang modernong Gadyet (Selfie phenomenon and other modern gadget craze) : Ang pag aaral na ito ay tumatalakay sa mga makabagong kaugalian at pamamaraan ng pakikipag-unayan ng mga Pilipino bunga ng pag-usbong at pagkahumaling sa mga modernong gadyet sa kasalukuyang panahon. Gumamit ang mga mananaliksik ng melodong pakikipagpanayam sa kanilang pangangalap ng mga impormasyon. Nagkaroon din ng komprehensibong paghahanap ng mga datos mula sa mga aklat at sa Internet. Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa pagaaral ng pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino sa aspeto ng pakikipagkaibigan at pakikitungo sa kapwa, sa panliligaw at panunuyo, sa mga kaugalian sa kasal, at sa mga masining na pamamaraan ng pakikipag ugnayan. Ninais ng mga mananaliksik na tukuyin at mabigyan linaw ang mga pagbabago sa larangan ng pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino noon at ngayon, ang mga naging epekto ng pagbabago sa pakikipag-ugnayan at kung papaano niyakap ng mga Pilipino ang pagdating ng mga modernong pamamaraan ng pakikipagugnayan. Mula sa pagaaral ay nahinuha ng mga mananaliksik na nakaimplwensya ng malaki ang pausbong ng teknolohiya sa makabago at modernisadong panahon. Mayroon itong mga positibo at negatibong epekto sa mga Pilipino. Nakatulong ang teknolohiya sa lahat ng aspeto ng buhay ng tao; sa pakikipag-ugnayan, edukasyon, pulitika, agham at pagpapamilya. Masasabing naging parte na ng ebolusyon ng tao ang paggamit ng teknolohiya na nagiging dahilan na rin ng pagbabago sa paraan ng pamumuhay ng mga tao. Pananliksik 2 Mga karanasang bayolente ng mga kababaihan at mga bata (Violence against women and children): Ang pananaliksik na ito ay parehong tumatalakay sa dalawang paksa sa konteksto ng Sikolohiyang Pilipino. Una ay patungkol sa Pamilyang Pilipino na tinatalakay sa unang bahagi ng pananaliksik at ang ikalawa at ang pangunahing paksa ay ang mga karanasang bayolente sa mga kababaihan at mga bata. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Purposive Sampling kung saan ay namili sila ng dalawang kalahok na kapwa may mga direktang nakaranas ng pang-aabuso p karahasan. Ang pamamaraang ginamit ng mga mananaliksik ay pakikipanayam o interbyu, kung saan maayos na nailahad ng mga kalahok ang kanilang mga karanasan ukol sa karahasan at kung paano ito nakaapekto sa kanilang pagkatao at pamumuhay. Mula sa mga nakalap na datos, napaghinuha na may impluwensiya ang istraktura ng pamilya sa diskurso ng pang-aabusong naganap sa isang biktima. Napag-alaman din sa pananaliksik na ito na marami pa ring hindi nareresolbang kaso ng karahasan lalo na sa mga bata na maaring dahilan ng paniniwala ng mga Pilipino na ang problema ng pamilya ay marapat lamang na manatili sa loob ng kaniya-kaniyang tahanan. Pananaliksik 3 Ang pag-aaral na ito ay may layunin na saliksikin ang positibong sikolohiya sa konteksto ng mga Pilipino. Gumamit ito ng etnograpikong disenyo ng pananaliksik upang magalugad ang kultura at mga halahahin na patuloy na isinasabuhay ng mga Pilipino na nagbubunsod ng kanilang pagiging positibo. Interbyu ang metodong ginamit sa pagkalap ng datos. Tatlumpu't dalawang mga kalahok mula sa urban at rural na pook at may edad ng 25 hanggang 60 ang kinuha para sa pag-aaral. Nasiyasat ng pag-aaral na ito na ang mayroong pinakamalaking epekto sa katatagan ng mga Pilipino ay ang kanilang pananampalataya at pamilya. Mataas din ang pagpapahalaga nila sa pakikipagkapwa-tao upang magkaroon ng mga kaibigan. Gayundin ay may ilan pa din sa kanila ang nagsasagawa ng mga pamahiin upang kahit papano ay may maasahan silang magandang pangyayari. Nakita din ng pananaliksik na ito ang pagkakaiba at pagkakapareho ng pananaw ng mga kalahok sa urbanisadong lugar at sa rural na lugar.
5

There are no comments for this item.