Compilation of research outputs in Filipino Psychology / BS Psychology IV-2. 6
By: BS Psychology IV-2. 4 0 16 [, ] | [, ] |
Contributor(s): 5 6 [] |
Language: Unknown language code Summary language: Unknown language code Original language: Unknown language code Series: ; March 2016.46Edition: Description: 28 cm. 206 ppContent type: text Media type: unmediated Carrier type: volumeISBN: ISSN: 2Other title: 6 []Uniform titles: | | Subject(s): -- 2 -- 0 -- -- | -- 2 -- 0 -- 6 -- | 2 0 -- | -- -- 20 -- | | -- -- -- -- 20 -- | -- -- -- 20 -- --Genre/Form: -- 2 -- Additional physical formats: DDC classification: | LOC classification: | | 2Other classification:| Item type | Current location | Home library | Collection | Call number | Status | Date due | Barcode | Item holds |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Book | PLM | PLM Filipiniana Section | Filipiniana-Thesis | BF199 A33 2016 (Browse shelf) | Available | FT6402 |
Undergraduate Thesis: (B.S> Psychology)- Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, 2016.;COLLEGE OF SCIENCE DEPARTMENT OF PSYCHOLOGY. 56
Kusang Loob o Utang na Loob?: Ang Tunay na Layunin ng Pagtulong Para sa mga Pilipino.;Tradisyunal o Mederno:Gampanin ng Kalalakihan at Kababaihan sa tahanan.;Bata Ako, Matanda Ka... Magkaiba Tayo: Isang Komparitibong Pagsususri sa Pansariling Pananaw ng mga Kabataan.;Sino ang Tunayna Baliw?: Isang Pagsususri sa Maka-Pilipinong Pananaw Tungkol sa Konsepto ng Sikopatolohiya.
5
KUSANG LOOB SA UTANG NA LOOB? ANG TUNAY NA MAYUNIN NG PAGTULONG PARA SA MGA PILIPINO----- ABSTRACT:----- Ang pagiging matulungin ay likas na kaugalian ng taglay ng mga Pilipino. Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na mabatid ang tunay na layunin ng pagtulong para sa mga Pilipino. Dagdag pa rito ang pagnanais na matukoy ang payak na dahilan ng pagtulong ng mga sa kapwa. Gayundin, nillayon ng pag-aaral na malaman ang kahulugan ng utang na loob, ang tunay na dahilan ng pagtulong at kapakinabangan ng pagtulong para sa mga Pilipino. Ang pag-aaral ay gumamit ng isang deskripto-analitik na pamamaraan at sumailalim sa proseso ng interbyu upang masuri nang mabuti ang mga opinyon ng mga kalahok ukol sa tunay na layunin ng pagtulong para sa mga mamamayang Pilipino. Pinili ang mga kalahok sa pamamagitan ng purposive sampling na kinabilanagn ng anim kalahok na mayroong higit na mga kaalaman ukol sa paksang pagtulong. Ang mga mananaliksik ay kumalap ng mga datos sa pamamagitan ng inihandang talatanungan at kasunod na interbyu. Matapos ito ay inihambing ang mga sagot ng bawat kalahok at binigyan ng kabuluhan. Sa paraang ito ay nakuha ang mga importanteng pananaw at opinyon ng mga napiling kalahok patungkol sa tunay na layunin ng pagtulong ng isang mamamayang Pilipino, bilangpaglalahat, inilahad ng pag-aaral na hindi nagkaiba sa pagpapakahulugan ukol sa konsepto at kusang loob ng pagtulong ang mga Pilipino, ito ay boluntaryong pagbibigay ng isang serbisyo o tulong sa inyong kapwa na walang hinahanagad o hinihintay na anumang kapalit. Para sa mga Pilipino, ang pagrtulong ay bukal sa puso, isipin at kalooban ng isang tao.;TRADISYUNAL O MEDRNO: GAMPANIN NG KALALAKIHAN AT KABABAIHAN SA TAHANAN----- ABSTRACT:----- Sa isang pamilyang Pilipino, binubuo ito ng haligi at ilaw ng tahanan. Ang bawat kasarian ay may responsibilidad na kailangan gampanin. Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa tradisyunal at modernong gampanin ng kalalakihan at kababaihan sa tahanan. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang maimulat at makapagbigay ng ideya sa mga lalaki at babae sa modernong panahon ngayon at kanilang gampanin sa tahanan. Gayundin, ito ay may layunin na alamin ang pagkakaiba ng mga gampanin at madetermina kung ang sinusunod na kalakaran sa tahanan ng Pilipino ngayon ay ang tradisyunal o ang modern. Ang mga kalahok ay mga kalalakihan at kababaihan mula sa halo halong estado ng pamilya na mayroong edad na 20 hanggang 60 taong gulang na may kabiyak o may sariling pamilya at naninirahan sa Maynila. Batay sa mga nakalap na resulta, lahat ng kalahok ay sumasang-ayon na ang tradisyunal na gampanin ng lalaki ay ang naghahanapbuhay para sa pamilya, habang ang babae ang gumagawa ng tradisyunal na gampanin pa din ang mas ninanais ng mga Pilipino na makita sa loob ng tahanan.;BATA AKO, MATANDA KA... MAGKAIBA TAYO: ISANG KOMPARITIBONG PAGSUSURI SA PANSARILING PANANAW NG MGA KABATAAN----- ABSTACT:----- Gamit ang kwalitatibong metodo ng pananaliksik, natukoy sa pag-aaral na ito ang mga pagkakaiba at pagkakatulad ng pansariling pananaw ng mga kabataan. Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na malaman sa kung paanong pamamaraan ito naiiba o natutulad ayon sa mga edad ng mga kalahok. Ang mga kalahok ng pag-aaral na ito ay nagrupo sa dalawang ketegorya: sampung bata (10) na 6-12 taong gulang at sampung bata (10) na 13-16 taong gulang: kabuuan, dalawangpung (20) kabataan ang nakilahok sa pananaliksik na ito. Ito ay gumamit ng deskriptib sarbey dahil sa paggamit ng talatanungan na pinagsagutan sa gamit ang isang online website. Ang mga datos ay sinuri sa pamamagitan ng panggrupo ng mga kasagutan ng mga kalahok ayon sa iba't ibang domain na may iba't ibang kategoryang nakapaloob. Kabilang dito ang (1) pagkakakilanlan sa sarili o ang sense of self, (2) paglalahad ng sarili o ang Ang self presentation, (3) pakikipagkapwa o ang social self, (4) pag-inlad ng pakikipagkapwa o ang sense of social development, (5) ang sarili at ang kultura o self culture, at ang panghuli ay ang (6) pagpapahalaga sa pansariling konsepto o ang values on self-concept. Ang mga datos na nakalap ay ginamit upang masagot ang mga katanungan ng nasabing pag-aaral. Isinasaad din ng pag-aaral na ito na ang konseptong pansarli ng mga Kabataang Pilipino ay naapektuhan ng kanilang pamilya. Mga kaibigan, tradisyon at kultura ng ating bansa.;SINO ANG TUNAY NA BALIW? ISANG PAGSUSUSRI SA MAKA-PILIPINONG PANANAW TUNGKOL SA KONSEPTO NG SIKOPATOLOHIYA----- ABSTRACT----- Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa konsepto ng Sikopatolohiya at naglalayong matuklasan ang iba't ibang pananaw ng mga Pilipino tungkol sa nasabing paksa. Upang makamit ang pangkabuuang layunin na ito, may tatlong pangunahing suliranin ang inilahad ng mga mananaliksik sa siya namang naging batayan sa pagbuo ng palatanungan na ginamit sa pangangalap ng datos. Ang mga sumusunod ay ang mga nasabing suliranin: 1) Anu-ano ang pagpapakahulugan ng mga kalahok sa salitang Sikopatolohiya? 2) Anu-ano ang mga bagay na alam ng mga Pilipino ukol sa mga sakit sa pag-iisip? 3) Ano ang mga ginawang batayan para sa mga sagot sa mga naunang tanong? Ang pag-aaral na ito ay isinigawa sa paggamit ng kwalitatibong pamamaraan. Ang mga kalahok sa pananaliksik ay nagmula sa buong lawak ng Metro Manila lamang at binuo ng labin-limang tipikal na mga mamamayang Pilipino na binubuo ng mga mag-aaral, mga manggagawa, at mga pangkaraniwang tao na makikita sa lipunan gaya ng mga tinder o tinder, mga drayber, mga kasambahay, at iba pa. ang mga nasabing kalahok ay napili sa pamamagitan ng purposive sampling. Ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga datos sa pamamagitan ng pakikipagkwentuhan at pagtatanung-tanong gamit ang indibidwal na palatanungan na batay sa mga pangunahing suliranin ng pag-aaral na ito. Batay sa mga datos na nakalap mula sa mga tugon ng mga kalahok, ang mga resulta sa pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod: 1) May mga iba't ibang paraan ng pagpapakahulugan ang mga Pilipino sa salitang Sikopatolohiya at ang mga ito ay nahahati sa tatlong kategorya, obhektibo, subhektibo at negatibo. Ang mga obhektibong pagpapakahulugan ng mga kalahok ay hindi nalalayo sa tunay na kahulugan ng Sikopatolohiya na makikita sa mga sanggunian. Ang subhektibo naman, sa kabaliktaran ay ang mga pagpapakahulugan na base sa kani-kanilang paraan ng pagkakagamit ng nasabing salita sa lipunang kanilang kinabibilangan. At panghuli ay ang negatibong pagpapakahulugan na maaaring magdulot ng diskriminasyon sa mga indibidwal na may karamdaman sa pag-iisip. 2) may tatlong paraan kung paano inilarawan ng mga kalahok ang isang tao na may karamdaman sa pag-iisip: biyolohikal, pag-uugali, at kognitibo. Sa biyolohokal na paglalarawan, ang mga kalahok ay naniniwala na ang karamdaman sa pag-iisip ay bunga ng genetics o namamana mula sa isang magulang o sa mga malalapit na kamag-anak. Para naman sa pagpapakahulugan base sa pag-uugali, minungkahi ng mga kalahok na ang mga taong may karamdaman sa pag-iisip ay may mga hindi normal na pagkilos. At para naman sa kognitibong pagpapakahulugan, ang mga kalahok ay naniniwalang ang mga taong may karamdaman sa pag-iisip ay nakakaranas ng hindi normal na pagtakbo ng proseso ng pag-uugali at pag-iisip. 3) Ang persepsyojn ng mga kalahok ay nahahati sa apat na kategorya: biyolohikal, panlipunan, pandamdamin, at historical. Sa biyolohikal na persepsyon sinabi ng mga kalahok na ang mga karamdaman sa pag-iisip ay may kakulangan sa nutrisyon, at ang mga karamdamang ito ay namana mula sa kanilang mga kamag-anak. Sa panlipunang persepsyon, dito inilarawan ng mga kalahok ang kanilang persepsyon na ang dahilan kung bakit nagkaroon ng karamdaman sa pag-iisip ang isang indibidwal ay dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya. Sa pandamdam na persepsyon, ang mga karamdaman daw sa pag-iisip ay base sa emosyunal na estado ng isang tao, kagaya ng depresyon. Panghuli ay ang historical na persepsyon kung saan lumabas na may iilang Pilipino pa rin ang naniniwala sa mga katutubong sanhi ng pagkakaroon ng sakit sa pag-iisip. Kabilang dito ay ang sanib at mga supernatural na element gaya ng diwata, diyos at diyosa, at iba pang mga element. 4) Ang mga batayan ng kasagutan ng mga kalahok ay mula sa kanilang karanasan sa lipunang kinabibilanagan, mula sa kanilang mga pinag-aralan at mula sa kanilang pangsariling opinyon lamang.
Mapagkumbabang inire-rekomenda ng mga kasalukuyang mananaliksik sa isa-puso ng bawat mag-aaral at propesyunal sa larangan ng Sokolohiya ang kani-kanilang kaalaman ukol dito at pagbutihan pa ito upang magsilbing gabay at simula sa higit pang malalim na kamalayan ng mga Pilipino patungkol sa kalusugang pangkaisipan. Maging ang mga Pilipino ay karapat-dapat din na maging responsible sa kanilang paggamit ng mga salitang may kaugnayan sa Sikopatolohiya gayong malaki ang epekto ng maling paggamit nito sa mga indibidwal na may karamdamang pangkaisipan.
5

There are no comments for this item.