4 0

Compilation of Research Outputs in Filipino Psychology BS PSYCHOLOGY IV-2. 6 6 - - - various pages 28 - - - - - . - . - 0 . - . - 0 .

Undergraduate Thesis:(B.S. Psychology)- Pamantsan ng Lungsod ng Maynila, 2016.



Fiesta: Pagdiriwang ng mga Pilipino sa Pamamagitan ng ibat-ibang Uri ng Sining.;I do, I die,Jusko Day: Pananaw ng mga Pilipino sa Proseso ng Pag-ibig.;Masarap, Mura Marumi, at Masakit sa Tiyan?: Ang Pagtangkilik ni Juan sa Pagkaing Pang-Masa at Tradisyunal na Panggagamot.;Epekto ng Pamumuno ng Manedyer sa Empleyado: Isang Pag-aaral.

5



FIESTA : PAGDIRIWANG NG MGA PILIPINO SA PAMAMAGITAN NG IBA'T IBANG URI NG SINING ABSTRACT: Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa impluwensya ng Kultura at Kaugaliang Pilipino sa Sining at sa pagpapakita o pagpapahayag nito sa larangan at pagdiriwang ng kapistahan. Sa pamamagitan ng isang kwalitatibong panananaliksik, nakapangalap na sapat na datos ang mga mananaliksik mula sa mga labindalawang napiling kalahok sa sadyang hinanap dahil sa kanilang karanasan sa pagdalo sa ibat ibang uri ng pista na ginanap sa ibat ibang lugar o rehiyon sa Pilipinas. Ayon sa kanilang mga naging tugon, may hindi maipagkakailang simbiyosis o isang malapit at pang matagalang relasyon at interaksyon ang Kultura at Kaugaliang Pilipino, Sining, at ang Kapistahan.;I DO, I DIE, JUSKO DAY: PANANAW NG MGA PILIPINO SA PROSESO NG PAG-IBIG ABSTRACT: Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang malaman ang pananaw ng mga Pilipino sa proseso ng pag-ibig. Kung saan ang pag-aaral na ito y naglalayon upang malaman kung may pagbabago ba sa pananaw ng mga Pilipino noon at ng mga Pilipino ngayon ukol sa proseso ng Pag-ibig. Ang Pamamaraan ng ginamit sa pagkuha ng datos ay ang purposive sampling. Ang mga kalahok ay may bilang na labindalawa, sila ay may edad na 20 hanggang 35 to 40 hanggang 55. Hinati sa dalawang pangakat ang mga kalahok batay sa kanilang mga edad, 6 na mga kalahok ay mula sa edad na 20 hanggang 35; at ang natitirang anim 6 na mga kalahok ay binubuo naman ng mga kalahok na may edad na 40 hanggang 55. Ang mga kalahok ay sumailalim sa mga pagpapaliwanag ukol sa pag-aaral; pagsagot ng serbey at interbyu para sa mga datos. Napagalaman gamit ang pananaliksik na ito na marami na hindi nagbago ang proseso ng pag-ibig sa mga Pilipino, ang tanging nagbagolamang ay ang lapit na ginawa ng mga kalalakihang Pilipino tungo sa kanilang mga niluluigawan, sa kanilang pagpapakasl, at kahit ang kanilang pagmo-move on.;MASARAP, MURA, MARUMI AT MASAKIT SA TIYAN?: ANG PAGTANGKILIK NI JUAN SA PAGKAING PANG MASA AT TRADISYUNAL NA PANGGAGAMOT ABSTRAK: Nilayon ng mga mananaliksok na tuklasin at lubusang pag-aralan ang pagtangkilik ng mga pilipino sa pagkaing pang-masa at tradisyunal na panggagamot. minithi sa pag-aaral na ito na pag-ugnayin ang dalawang konseptong tatak pilipino atb naghangad na makatuklas ng bagong kaalamang maiiukol sa sikolohiyang pilipino. ang mga datos ay nalikom sa pamamagitan ng isang palatanungang open-ended sa dalawang pangkat ng mga kalahok - mga nakaranas na ng negatibong epekto o problemang medikal sanhi ng pagkaing kalye; at mga hindi pa nakaranas ng negatibong epekto o problemang medikal sanhi nito. mabusising inanalisa ang tugon ng mga kalahok at natuklasan ang ilang mga koklusyon. ang pagkaing kalye ay6 parte na ng ating kultura; pamilyar, masarap, mura at patok sa panlasang pinoy. patuloy itong tinatangkilik dahil likas na praktikal ang mga Pilipino. gayun man., hindi nasisiguro ang sanitasyon sa preparasyon nito; ngunit ito ay tinatangkilik pa rin na maiuugnay sa bahala na mentality. ang tradisyunal na panggagamot naman ay natatangi, naka-ugat sa kulturang Pilipino at abot kaya; mabisang paunang lunas sa mga karamdamang hindi gaanong malubha. maraming pag-aalinlangan sa pagsangguni rito sapagkat wala raw itong siyentipikong batayan at hindi sumailalim sa pag-aaral. Higit na pipiliin ang kanluraning medisina dahil ito raw ay higit na epektibo at napag-aralan. Natuklsasn na kapos ang kaalaman ni Juan sa produkto at serbisyong sariling atin. Maiuugnay dito ang colonial mentality. nakita ang hindi pagiging solido ng kulturang pilipino. makikita pa rin ang malakas na impluwensya na sa atin ang mga kanluraning kaisipan.;EPEKTO NG PAMUMUNO NG MANEDYER SA EMPLEYADO: ISANG PAG-AARAL ABSTRACT: Ang kasalukuyang pananaliksik ay naglalayong matuklasan ang mga sumusunod: 1) uri ng pamumuno ang ipinapamalas ng mga pilipinong manedyer at epekto nito sa mga empleyado patungkol sa kanilang trabaho 2) ang nais at hindi nais ng mga empleyado sa pamamaraan ng pamumuno ng kanilang lider; 3) mga katagian na gusto ng mga empleyado na makita sa isang lider. Ang pananaliksik ay mayroong sampung (10) kalahok kung saan ay gumamit ng isang talatanungan at interbyu upang makakuha ng mga kinakailangan datos. nahinuha ng mga mananaliksik sa mga nakalap na datos ang mga sumusunod 1) walang tiyak na uri ng pamamalakad ang mga manedyer dito sa pilipinas; 2) ang magandang pakikitungo ng mga manedyer ang isa sa mga katangiang gusto ng mga empleyado samantalang ang kakulangan sa pagbibigay ng feedback ng manedyer patungkol sa kanilang paggawa ng trabaho isa sa kanilang mga hindi nais; 3) mayroong maganda at masamang naidudulot ang uri ng pamamalakad ng mga manedyer sa kanilang mga empleyado, ngunit mayroon din na hindi makakaepekto ang uri ng pamamalakad ng mga manedyer sa kanilang sa kanilang paggawa ng trabaho; 4) nais ng mga empleyado na makita na alam ng kanilang manedyer ang mga responsibilidad nito sa trabaho, malinaw pagbigayng mga kailangang gawin, tumutulong at sumusuporta sa kanila upang maging mas mabuti pang mga indibidwal.













5







2 = =









2




2 --0------


6 --0-- 2 --------



0 2 --


--20------





--------20--


--------20--


----2

/ 2

/ 2

/

/